CAUAYAN CITY-Mapapaaga ngayong taon ang pagsisimula ng ‘Basura Mo, iCENRO Mo project’ ng City Government ng Cauayan.
Ito ay kasunod ng pagpapasakamay ng Eco-Brick Hub Facility mula sa isang pribadong kumpanya sa Cauayan Government Employee Multipurpose Cooperative.
Ayon kay Engr. Alejo Lamsen,City Environment and Natural Resources Officer ng Cauayan City, sinabi niya na sa halip na sa Agosto ay June 30, 2019 kasabay ng Environment Month na ilulunsad ang ikapitong taon ng Basura Mo, iCENRO Mo program.
Sa ilalim ng naturang programa ay hihimukin ang mga mamayan ng na mag-ipon ng mga plastic sachet o pinagbalatan ng mga biskwit at inumin kung saan ang bawat dalawang kilong maiipong basura ay papalitan ng isang kilong bigas.
Kaugnay nito nanawagan naman siya sa mga nais magbigay ng donasyong bigas sa CENRO upang ipalit sa mga maiipong basura ng mga residente ng Cauayan City.
Ang mga maiipong plastic sachets sa naturang proyekto ay gagamitin sa paggawa ng mga eco-bricks.
Dito sa region 2 ay tanging ang Cauayan City ang nabigyan ng Eco-Bricks Hub Facility kung saan tatlo lamang ang may ganitong kagamitan sa pilipinas.