--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang bata at isang binatilyo matapos na malunod sa bahagi ng Cagayan River sa Barangay Arubub, Jones, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Benedick John Bingaan, 17 anyos, out-of-school youth at Yeisha Gail Curammeng, 7 anyos at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga miyembro ng Jones Police Station, bago nangyari ang insidente ay unang nagtungo sa lugar ang biktima na si Yeisha Gail kasama ang kanyang ate na si Yashica Guen Curammeng matapos magkayayaang maligo sa ilog.

Uuwi na sana ang magkapatid nang yayain sila ni Bingaan upang muling lumangoy.

--Ads--

Aksidente umanong napunta sa malalim na bahagi ng ilog si Bingaan at nahablot niya si Yeisha Gail sanhi para sila ay malunod.

Sinikap ng mga taong nasa lugar na sagipin ang dalawang biktima subalit si Yashica lamang ang nailigtas.

Natagpuan sina Bingaan at Yeisha na walang malay.

Naisugod ang dalawang biktima sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.