--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaniniwalaang isang bata na naglaro ng lighter ang pinagmulan ng sunog sa bahay na nasunog sa Sinamar Norte, San Mateo, Isabela na ikinasawi ng isang lola.

Ang biktima ay si Saturnina Guray, 97-anyos at residente ng naturang barangay habang ang may-ari ng bahay ay sina Gregorio at Ligaya Tungpalan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may bata na nasa 6-anyos na apo rin ng lola ang naglaro ng lighter at nasindihan ang kurtina.

Maaring hindi naapula agad ang apoy kaya kumalat.

--Ads--

Nakausap na rin ang bata at inamin naman nitong mayroon siyang nilarong lighter.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga otoridad para malaman ang tunay na dahilan ng sunog at kung magkano ang halaga ng natupok ng apoy.