--Ads--

CAUAYAN CITY- Inoobserbahan sa isang pribadong pagamutan ang isang bata na natuklaw ng ahas sa barangay Sta. Luciana, Cauayan City.

Ang biktima ay si Mark di tunay na pangalan, 5 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue 922, bagamat may malay umano ang bata nang tumugon ang rescue team ay nakaranas umano ng pagkahilo at pagduduwal.

Sinasabing naglalaro umano si Mark nang matuklaw siya ng hindi pa mabatid na uri ng ahas.

--Ads--

Agad naman itong itinawag ng mga kamag-anak sa Rescue 922 at dinala si Mark sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City.