CAUAYAN CITY – Nagtamo ng first degree burns ang isang taong gulang na batang babae matapos matapunan ng mainit na sabaw ng tinola sa barangay Harana, Luna Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa ina ng biktima na si May Ann Corpuz, residente ng nabanggit na barangay, sinabi niya na inilapag lang niya ang kanilang ulam sa kanilang mesa at nagtungo siya sa kusina.
Gayunman, habang nasa kusina ay lumabas ang kanyang anak mula sa kuwarto at inabot ang ulam na nakalagay sa mesa.
Dahil dito ay natapon ang sabaw ng tinola sa dibdib ng bata kayat nalapnos ang kanyang balat.
Ayon sa nanay, bukod sa kanya ay nasa kusina rin ang kanyang tita kaya’t walang nakakita sa bata nang lumabas siya sa kuwarto.
Agad naman siyang dinala sa Cauayan District Hospital para malapatan ng lunas