--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim ang lalawigan sa Enhanced Community Quarantine o ECQ mula kahapon hanggang ikaapat ng Oktubre dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19.

Ito ay matapos na maitala ang isandaang panibagong kaso ng nagpositibo sa lalawigan at sa kasalukuyan ay nasa isandaan dalawamput isa na ang aktibong kaso habang ang kabuuang  kumpirmadong kaso ay umabot na sa isandaan tatlumput walo.

Ang bayan ng Basco ang may pinakamaraming aktibong kaso na mayroong siyamnaput apat na sinundan Uyugan na mayroong sampu, Itbayat at Mahatao na mayroong tig-anim na aktibong kaso; apat na aktibong kaso naman sa bayan ng Sabtang at isa sa bayan ng Ivana.

Umabot naman sa labimpito ang tuluyang gumaling na sa virus.

--Ads--

Nagdesisyon ang Provincial IATF na ikansela ang inbound passenger flights upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga health workers at frontliners na pagtuunan ng mabuti ang unang Covid 19 Community Transmision at biglaang pagtaas ng kaso sa lalawigan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating Probinsya, muli pinapayuhan ng pamahalaang lokal ang lahat na sumunod sa mga alituntunin upang maka-iwas sa banta ng COVID-19 lalo na ang minimum health standards.