Kalunos lunos ang sinapit ng isang paslit matapos siyang maatrasan ng isang van habang naglalaro sa kalsada sa purok 5, riverside Brgy. Poblacion, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang anim na taong gulang na biktima dahil sa tinamong matinding sugat sa ulo matapos siyang maatrasan at magulungan ng van.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Joey Flores, Deputy Chief of Police ng Kasibu Municipal Poilce Station, sinabi niya na batay sa driver ng van hindi niya nakita ang bata na naglalaro sa kalsada dahilan para mabangga niya ito at naatrasan.
Sa inisyal na impormasyon galing sa inuman ang driver ng van at papauwi na sana at habang papaatras ito ay hindi napansin ang bata.
Hindi din aniya huminto ang van nang makitang siya ay nakasaga kaya ng rumesponde ang PNP ay nadatnan na nila ng suspek sa bahay nito.
Ayon sa PNP nagpunta umano sa lugar ang bata para makipaglaro sa iba pang mga bata sa kanilang lugar nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari.
Tinatayang labintatlong metro ang layo ng lugar sa bahay ng bata kung nasaan ang kaniyang mga magulang.
Hindi umano nagpaalam ang bata sa magulang na maglalaro ito kaya hindi nila namalayan ang pangyayari.
Dahil sa insidente ay nagpaalala ang PNP sa mga magulang na ugaliing bantayan ang mga anak at huwag hahayaang maglaro ng mag-isa para maiwasan ang ganitong insidente.