--Ads--

Nasagip ng mga awtoridad ang batang babae na naging viral sa social media matapos mamalimos habang may hawak na kutsilyo sa kanto ng Alabang-Zapote Road at Diego Cera Avenue.

Ayon kay PCol. Sandro Jay Tafalla, hepe ng Las Piñas Police, agad nilang ni-rescue ang bata at ngayon ay nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development Office.

Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang ina ng bata ay umano’y drug dependent at walang kakayahang mag-alaga.

--Ads--

Tiniyak ng ahensya na dadaan sa masusing pagsusuri ng mga social worker bago isasailalim sa rehabilitasyon.

Bilang tugon ng mga otoridad, magpapatupad na ng curfew at magdadagdag ng presensiya ng pulisya sa lugar upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.