--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang 13 anyos na PWD matapos makita ang bangkay na palutang lutang sa ilog Ganano na nasasakupan ng barangay Batal, Santiago City .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PStaff Sgt. Mike Sosa, imbestigador ng Station 4 ng SCPO , sinabi niya na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residenteng nakakita sa katawan ng biktimang si Clarissa Latap, 13 anyos, PWD at residente ng Purok 1, Dubinan West, Santiago City.

Lumabas sa imbestigasyon ng Station 4 ng SCPO na 6:00pm kahapon nang mapansin ng pamilya ng biktima na nawawala.

Agad umano silang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay at iniulat sa pulisya.

--Ads--

Inabot umano nang hanggang 10:00pm ang paghahanap sa dalagita subalit hindi nahanapan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na posible umanong nadulas ang bata dahil nakita ang bakas ng kanyang paa sa ilog na malapit sa kanilang tahanan .

Sinabi pa ni Staff Sgt. Sosa madalas umanong umaalis sa kanilang tahanan ang biktima at ito ang unang beses na hindi bumalik sa kanilang bahay.