Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste naghain ng P110-milyong civil libel case laban kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa Regional Trial Court ng Balayan, Batangas.
Ayon kay Leviste, nilapastangan ni Castro ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng mga vlog na nagsasabing ibinenta niya ang prangkisa ng kanyang solar energy company. Giit ng kongresista, wala siyang kompanyang may prangkisa na ibinenta, at ang mga pahayag ni Castro ay “malisyoso at walang basehan.”
Kasama ang kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, humihingi si Leviste ng P100 milyon para sa moral damages, P10 milyon para sa exemplary damages, at P1 milyon para sa attorney’s fees, bukod pa sa iba pang gastusin.
Sa kabilang panig, sinabi ni Castro na ang kaso ay isang tangkang patahimikin siya at pigilan sa pagbibigay-komento sa mga isyu. Aniya, hindi pa niya natatanggap ang kopya ng reklamo.





