--Ads--

Posibleng hindi matuloy ang formal signing ceremony sa panukalang magpapaliban sa Barangay at SK Elections ngayong taon.

Ito’y matapos makatanggap ng impormasyon ang Commission on Elections o COMELEC na hindi matutuloy ang paglagda sa Malacañang sa August 12.

Ibig sabihin, otomatiko na itong magla-lapse into law o magiging batas ang panukalang ilipat sa Nobyembre ng susunod na taon ang BSKE 2025 sakaling hindi mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak naman ng poll body na tuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa halalan.

--Ads--

Samantala, umabot na sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga nagparehistro para sa BSKE.

Patuloy ang panghihikayat ng COMELEC na samantalahin ang voter registration sa iba’t ibang lugar sa bansa hanggang August 10, 2025.