--Ads--

Nalagdaan na bilang ganap na batas ang enrolled bill na nagpapahintulot sa gobyerno na magdeklara ng “State of Imminent Disaster” bago pa man manalasa ang bagyo o anumang kalamidad.

Layunin nitong mapabilis ang paghahanda at makapagsagawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga komunidad.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12287, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itatatag ng gobyerno ang mekanismo para sa pagdedeklara at pag-lift ng nasabing estado, pati na rin ang kaukulang pagpopondo para sa mga kinakailangang aksyon.


Binibigyan ng kapangyarihan ang Chief Executive na magdeklara ng “State of Imminent Disaster” sa mga barangay, munisipalidad, lungsod, lalawigan, at rehiyon batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

--Ads--

Ang mga local chief executives ay maaari ring magdeklara ng nasabing estado sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng Executive Order, batay sa rekomendasyon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).


Ang NDRRMC at RDRRMC ang magsasagawa ng pre-disaster risk assessment sa pagdating ng kalamidad na may potensyal na magdulot ng matinding panganib. Ang resulta ng pagsusuri ang magiging batayan ng dek