CAUAYAN CITY – Sisimulan sa Cauayan City sa November 23, 2021 ang pamamahagi ng indemnification claims ng mga hog raiser na isinailalim sa culling ang mga alagang baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narcisco Edillo ng DA region 2 na ang dumating na pondo na 161 million pesos ay mula sa contigency fund ng Tanggapan ng Pangulo dahil naubusan ng Quick Response Fund (QRF) ang Department of Agriculture (DA).
Matapos ang pamamahagi sa Cauayan City ay susundan ito ng pamamahagi sa November 24, 2021 sa mga bayan ng San Mateo na may inilaang pondo na mahigit 11 million at ang Cabatuan ay mahigit 18 million.
Sa Cauayan City ay makakatanggap ng bayad-pinsala ang 631 na hog raisers at 4,091 na baboy ang na-cull kaya ang pondo para dito ay umaabot sa mahigit 20 million.
Sa November 25, 2021 ay ang mga bayan ng Reina Mercedes, Echague at San Isidro.
Sa November 26, 2021 ay sa mga bayan ng San Agustin, Jones, Santiago City at Cordon.
Sa December 1, 2021 ay sa Luna, Naguilian, Alicia at Angadanan habang sa December 2, 2021 ay sa mga bayan ng San Guillermo, Gamu, Burgos at Ramon.
Sa December 7 2021 ay sa Quirino, Mallig, Quezon at Aurora habang sa December 8, 2021 ay sa San Manuel, Roxas at Delfin Albano at sa December 9, 2021 ay sa bayan ng Cabagan,
Ayon kay Regional Executive Director Edillo, sa 26 na bayan at lunsod sa Isabela na naapektuhan ng ASF ay napaglaanan ng pondo na 148,530,000.
Limang libong piso ang ibibigay ng DA sa bawat baboy na na-cull at maximum ng 20 na baboy ang babayaran.











