--Ads--

Nanatiling mapayapa ang buong Bayan ng Alicia sa kabila ng pag uumpisa ng Local Campaign Period.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Felix Mendoza ang hepe ng Alicia Police Station, sinabi niya na nanatiling mapayapa ang buong Bayan ng Alicia sa unang tatlong araw ng Local Campaign Period.

Sa katunayan aniya nakilahok sa isinagawang PEACE covenant ang lahat ng kandidato kaya umaasa sila na manatilng mapayapa ang election period hanggang sa matapos ang halalan.

Sa ngayon wala pa naman silang naitatalang violators sa Comelec Election Code at maayos nilang naipapatupad ang COMELEC checkpoints.

--Ads--

Kaugnay nito naging bahagi sila sa pagbibigay ng seguridad sa isinagawa simultaneous Operation Baklas ng COMELEc noong March 28 kasabay ng pagsisimula ng Local Campaign Period.

Ayon kay PMaj. Mendoza na bagamat walang election hot spot sa Alicia Isabela ay naglatag sila ng mga hakbang sa sa designation ng kanilang mga tauhan kasabay ng halalan.

Samanatala, most prevalent incident parin sa kanila ang road crash incidents o vehicular accidents na madalas kinasasangkutan ng mga naka motorsiklo.

Batay sa kanilang datos nakapagtala na sila ng 11 incidents kung saan 8 dito ang nakasuhan na .

Pinaigting nila ngayon ang police visibility kabilang na riyan ang pagpapatupad ng best practices nila partikular ang Project Scuba kung saan kanilang sinusuri ang mga estero at kanal malapit sa mga business establishments gaya ng mga banko at sanglaan.

Nakikipag dayalogo din sila sa mga guwardiya ng bawat bangko para makapag bigay ng mga impormasyon gayundin na pinayuhan ang mga Barangay Officials na bantayan ang kanilang nasasakupan kabilang ang mga kahinahinala o mga bagong mukha.