Tinanghal bilang Grand Overall Winner ang Bayan ng Echague, Isabela, na nag-uwi ng ₱1.5 milyong halaga ng project package sa isinagawang awarding ceremony kasabay ng Street Dance at Festival Dance Showdown na ginanap kagabi sa Isabela Sports Complex.
Sa Makan ti Isabela, kinoronahang kampeon ang City of Ilagan, habang 4th Runner Up ang Santiago City, 3rd Runner Up ang Roxas, Isabela, 2nd Runner Up ang Coastal Town of Palanan, at 1st Runner Up ang Tumauini, Isabela.
Para naman sa Mainum ti Isabela, nagwagi bilang kampeon ang Coastal Town of Palanan. Sinundan ito ng San Isidro, Isabela bilang 1st Runner Up, City of Ilagan bilang 2nd Runner Up, Tumauini, Isabela bilang 3rd Runner Up, at San Manuel bilang 4th Runner Up.
Sa Best Festival Queen Costume, kampeon ang City of Ilagan. 1st Runner Up ang Luna, Isabela, 2nd Runner Up ang Sta. Maria, Isabela, 3rd Runner Up ang City of Cauayan, at 4th Runner Up ang Quirino, Isabela. Samantala, tinanghal bilang Bambanti Festival Queen Costume Designer ang Bayan ng Tumauini, Isabela.
Sa Best Festival King Costume, nagwagi bilang kampeon ang Jones, Isabela. 1st Runner Up ang Echague, Isabela, 2nd Runner Up ang Cauayan City, 3rd Runner Up ang Sta. Maria, Isabela, at 4th Runner Up ang Luna, Isabela. Tinanghal naman bilang Bambanti Festival King Costume Designer ang Bayan ng Echague, Isabela.
Para sa Bambanti Festival Queen and King, kampeon ang pambato ng Alicia, Isabela. 1st Runner Up ang Echague, Isabela para sa Queen at 2nd Runner Up para sa King. 2nd Runner Up naman ang Luna, Isabela para sa Queen at 1st Runner Up para sa King. 3rd Runner Up ang Cauayan City, habang 4th Runner Up ang Quirino, Isabela.
Sa Best Giant Bambanti – Category B, kampeon ang San Isidro, Isabela, sinundan ng Sto. Tomas, Isabela bilang 1st Runner Up, San Agustin, Isabela bilang 2nd Runner Up, Gamu, Isabela bilang 3rd Runner Up, at Burgos, Isabela bilang 4th Runner Up.
Para naman sa Best Giant Bambanti – Category A, kinoronahang kampeon ang City of Ilagan. 1st Runner Up ang Cordon, Isabela, 2nd Runner Up ang San Pablo, 3rd Runner Up ang Cauayan City, at 4th Runner Up ang Dinapigue, Isabela.
Sa Agri Eco-Tourism Booth Category B, kampeon ang Sto. Tomas, Isabela, habang 1st Runner Up ang San Agustin, 2nd Runner Up ang San Isidro, 3rd Runner Up ang Gamu, Isabela, at 4th Runner Up ang San Manuel, Isabela.
Para sa Agri Eco-Tourism Booth Category A, nagwagi bilang kampeon ang Cordon, Isabela. 1st Runner Up ang City of Ilagan, 2nd Runner Up ang Echague, Isabela, 3rd Runner Up ang Cauayan City, at 4th Runner Up ang Quirino, Isabela.
Sa Street Dance Competition, nangibabaw ang Alicia, Isabela bilang kampeon. 1st Runner Up ang Jones, Isabela, 2nd Runner Up ang Echague, Isabela, 3rd Runner Up ang City of Ilagan, at 4th Runner Up ang Benito Soliven.
Samantala, sa Festival Dance Showdown, muling nagkampeon ang Alicia, Isabela. 1st Runner Up ang Echague, Isabela, 2nd Runner Up ang Cauayan City, 3rd Runner Up ang Roxas, Isabela, at 4th Runner Up ang Jones, Isabela.
Kabilang naman sa Top 10 hanggang Top 6 Overall Winners ang mga bayan ng San Isidro, San Pablo, Roxas, Jones, at Tumauini. Ang Top 5 Municipalities ang siyang nag-uwi ng mga project package.
Kabilang sa Top 5 ang Sto. Tomas, Isabela na nag-uwi ng ₱300,000 project package, Cauayan City na may ₱500,000, City of Ilagan na may ₱700,000, at Alicia, Isabela na nag-uwi ng ₱1 milyong halaga ng project package.










