--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang bayan ng Palanan, Isabela sa posibleng maging epekto ng bagyong Leon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MDRRM Officer Glenn Cabaldo, sinabi niya na naka-presposition na ang kanilang mga food packs na ipapamahagi sa mga maapektuhang residente.

Patuloy naman ang ginagawa nilang monitoring sa mga low lying areas na kadalasang nababaha tuwing may bagyo.

Upang masiguro na ligtas ang mga residente ay maaari umano silang magpatupad ng preemptive at force evacuation lalo na kapag tumataas na ang antas ng mga ilog dala ng mga pag-ulan.

--Ads--

Bagama’t hindi pa gaanong nararamdaman ang epekto ng bagyong Leon sa bayan ng Palanan ay pinaalalahanan pa rin niya ang mamamayn na sumunod sa mga panuntunan para masiguro ang kanilang kaligtasan.