Inilarawan ng lokal na pulisya bilang generally peaceful ang naging pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bayan ng Reina Mercedes, batay sa isinagawang monitoring noong nakaraang yuletide season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay PCPT. Jeremias Veniegas, Deputy Chief of Police ng Reina Mercedes, sinabi nito na walang naitalang vehicular accident sa mga kalsada ng bayan mula Disyembre hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon. Gayunman, may ilang insidenteng naiulat na nagresulta sa pagkasawi.
Ayon kay PCpt. Veniegas, noong Ikadalawampu’t pito disyembre, dalawang bata ang nalunod sa Ilog Cagayan at kalaunan ay nasawi.
Samantala, noong Enero 2, dalawang magkapatid naman ang nasawi matapos makuryente habang sakay ng isang heavy equipment sa magkahiwalay na insidente.
Dahil dito, muling nagpaalala ang mga awtoridad sa mga residente ng Reina Mercedes na mag-ingat sa lahat ng oras, lalo na sa pagmamaneho.
Hinimok din ang publiko na iwasan ang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang











