--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsasagawa ng puspusang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 upang matukoy kung gaano na kaapektado ng virus ang Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Maria Lourdes Respicio Saguban na pangalawang linggo nang tumaas ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Reina Mercedes kung saan nagtala ng 18 kaso mula sa 91 naitala sa buong Isabela ngayong araw.

Sinabi ni Mayor Saguban na mayroon na ring mga compound ng mga pamilyang nagpositibo sa virus ang inilockdown upang hindi na kumalat ang virus sa komunidad.

Kaya tumaas anya ang kaso sa kanilang bayan ay dahil sa isinagawang contact tracing at ang mga nagpositibo ay mga kasama sa bahay ng mga nauna nang nagpositibo.

--Ads--

Sinabi pa ng Punong Bayan na nasa second at third level na ang isinasagawa nilang contact tracing.

Naghain na rin sila ng kahilingan sa Inter Agency Task Force na magpatupad ng purok lockdown sa kanilang bayan.

Sinusuri na rin anya ng DOH kung mayroong nagaganap na local transmission sa Reina Mercedes, Isabela.

Nakaalerto na rin ang lokal na pamahalaan dahil aabot na sa mahigit 30 ang active cases sa kanilang bayan.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Ma. Lourdes Saguban