--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang itinalagang Acting Vice Mayor ang bayan ng San Mateo matapos magfile ng leave ang kanilang Bise Alkalde.

Matatandaan na nag-file ng leave si Vice Mayor Arvin Barangan na noong ika-16 ng Mayo hanggang sa ikaw-25 ng Hunyo.

Ang designated Acting Vice Mayor ng San Mateo ay ang 1st Councilor Atty. Louella Marie Agcaoili.

Bagama’t pormal na siyang naitalaga ng Department of the Interior and Local Government o DILG ay hindi naman siya ang napili bilang Presiding Officer sa isinagawang session dahil nagkaroon ng botohan ang mga Sangguniang Bayan.

--Ads--

Pinangunahan ito ni SB Ex-Officio Member Allan Cabacungan, ang Sectoral representative ng agricultural ang nasabing session.