--Ads--

CAUAYAN CITY – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang proposal na pag increase ng bed capacity ng Cagayan Valley Medical Center o CVMC mula sa limangdaan patungong isang libo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, ang Medical Center Chief ng CVMC sinabi niya na dahil nadodoble na ang mga pasyenteng naaadmit sa ospital ay kailangan na din ng upgrade sa ospital.

Aniya sakaling maisabatas na ang senate bill no. 1103 o ang proposal ng pag increase sa bed capacity ng CVMC na inisponsoran ni Senador Imee Marcos ay madodoble rin ang kanilang manpower pati na ang mga facilities.

Ayon kay Dr. Baggao, pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hinihintay upang ang nasabing panukala ay tuluyan nang maisabatas.

--Ads--

Isa rin sa ginawang upgrade ng CVMC ang pagdagdag ng kanilang kawani sa Laboratory Testing Center na nagkaroon na ng dalawamput limang medical technologist, karagdagang laboratory technicians at sampung administrative assistant na nangangasiwa ng pacomputerized ng mga resulta ng testing.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.

.