Humakot ng pitong gintong medalya ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) na pambato ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.
Sumisid ng apat na ginto, 1 Silver 1 Bronze ang Pinoy Swimmer na si Kristian Yugo Cabana matapos domenahin ang lahat ng tatlong events nito sa boys’ 13-14 category sa ikalawang araw ng kompetisyon.
Umani rin ng 1 gold 2 Silver 4 Bronze si Therese Annika Quinto sa girls’ 13-14 division.
Maliban sa apat na ginto , isang silver at dalawang tanso ang naibulsa rin ng BEST squad na si Juancho Jamon ang isang pilak sa boys’ 10-under 50m backstroke at isang tanso mula kay Athena Custodio sa girls’ 13-14 200m backstroke habang si Behrouz Mohammad Madi Mojdeh sa boys’ 13-14 100m butterfly ay humakot ng 2 golds 2 silver 1 Bronze.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Beltran na halos baguhan ang mga ipinadalang swimmer ng bansa sa Tokyo, Japan ngunit hindi naman ito nakaapekto sa standing ng bansa dahil hindi pa natatapos ang kompetisyon ay nakasungkit na ng ilang medalya ang Pilipinas.
Hindi pa man natatapos ang 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships ay nakatanggap na sila ng panibagong imbitasyon sa Tokyo, Japan sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Samantala, bilang Director ng mga Swimmers sa Japan ay kumukuha sila ng sponsorship sa mga Pinoy na nasa Japan para matulungan ang mga Pinoy Swimmers pagdating sa kanilang mga gastusin.