One way passable ngayon ang Benguet-Nueva Vizcaya road dahil sa naitalang landslide sa Ansodeng, Ambuklao, Bokod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Christian Sevilla ang Operation Center Staff ng PDRRMO Nueva Vizcaya, sinabi niya na pupusan ang ginagawa nilang clearing operation sa naturang bahagi ng kalsada upang mas mapaluwag na ang daloy ng trapiko sa lugar.
Ayon sa MDRRMO Bokod, naitala ang pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan na nagdulot ng paglambot ng lupa.
Sa ngayon ay may naitalaga na silang alternate route sa bahagi ng Labey-Lacamen provincial road.
Dahil one lane passable lamang ang kalsada ay light to heavy traffic ang aasahan ng mga motorista dahil sa ilang road construction ding isinasagawa sa lugar.
Moderate to heavy traffic din ang aasahan sa Diadi at Rosario dahil sa mga road constructions.
Pinapaalalahanan ngayon ang mga motorista na mag doble ingat sa biyahe lalo na at muling nararanasan ang mga pag-ulan.