--Ads--

Nananatiling matumal ang bentahan ng mga kakanin sa lungsod ng Santiago sa kabila ng hindi pa paggalaw ng presyo ng kanilang mga paninda.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Emily Deguzman, sinabi nito na ramdam nila ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap, partikular na ang niyog na pangunahing gamit sa paggawa ng kakanin.

Gayunman, hindi pa rin sila nagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto upang hindi mawalan ng mamimili.

‎Ayon pa sa kanya, dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa paggawa, nahihirapan na silang mabawi ang kanilang puhunan. Sa kabila nito, umaasa pa rin siya na lalakas ang kanilang kita sa mga susunod na araw.

‎Sa kasalukuyan, nasa ₱60 hanggang ₱100 ang presyo ng mga kakaning naka-topper ware, habang ang mga nakabilao ay nagkakahalaga mula ₱350 hanggang ₱1,800 depende sa laki at uri.

‎Kabilang sa mga ibinebentang kakanin ang dikit na bibingka, kalamay, cassava cake, espasol, sapin-sapin, kutsinta, at biko.

‎Patuloy namang umaasa ang mga tindera na muling sisigla ang bentahan, lalo na ngayong holy week.