--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatiling matumal ang bentahan ng paputok sa Cauayan City Firecracker zone dalawang araw bago ang Bagong Taon.

Ayon kay Ginoong Edwin Asis isa sa naging dahilan sa matumal na bentahan ng paputok ay ang maulang panahon na nararanasan sa Lunsod.

Sa ngayon ay positibo parin silang dadagsa ang mga mamimili at mapapaubos nila ang kanilang paninda bukas dahil Bisperas na ng Bagong taon.

Ilan sa mga mabiling paputok ang kwitis, judas belt,luces, fountain at ilan pang phyrotechnique displays.

--Ads--