--Ads--

Pormal nang inilunsad ang “Benteng Bigas Meron na” Program sa  San Mateo, Isabela.

Ito ay kasabay ng nationwide launching ng naturang programa sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan sa lalawigan ng Isabela ay mabibili na rin ang 20 pesos per kilo na bigas sa Santiago City, Roxas at Echague.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Warehouse Supervisor Evie Cuntapay ng National Food Authority (NFA) San Mateo, sinabi niya na ang mga kwalipikadong bumili ng bente pesos na bigas ay ang mga farm wokers at magsasaka na may sinasakang dalawang hektarya pababa na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Kailangan dapat nilang magdala ng RSBSA ID o stub kung sila ay bibili upang ma-validate ang kanilang pagkakakilanlan.

--Ads--

Ang mga kwalipikadanong mamimili ay pwede lamang bumili ng sampung kilo ng bigas kada buwan.