--Ads--

Patuloy na sasailalim sa imbestigasyon sina former Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman kahit pa nagbitiw na sila sa kanilang puwesto.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang makakatakas sa imbestigasyon opisyal man o pribadong indibidwal, kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Hindi rin aniya nagtatapos ang pananagutan sa resignation.

Maging ang mga kontraktor na nasa pribadong sektor ay mananagot kung mapatunayang sangkot sa iregularidad.

--Ads--

Kahapon ay tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw nina Bersamin at Pangandaman dahil sa delicadeza matapos madawit ang kanilang ahensiya sa isyu ng budget kaugnay sa flood control.