Pumanaw na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan (Ma. Christina Bonghanoy Labalan) sa edad na 83.
Ayon sa kanyang anak na si Carlo, binawian ng buhay ang kanyang ina noong tanghali ng Pebrero 12 sa Australia matapos ma-admit sa isang ospital.
Ipinahayag ni Carlo sa isang Facebook post ang malungkot na balita “With heavy hearts, we announce the passing of our beloved mother, grandmother, sister, aunt, cousin and friend, Vangie Labalan… She passed away today in Australia due to illness, surrounded by those dearest and nearest to her heart. Her memories will forever remain in our hearts.”
Nagpasalamat naman ang pamilya sa lahat ng nagmahal at nakilala si Labalan, at tiniyak na siya ay uuwi sa Pilipinas. Ang mga detalye ng burol at libing ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.
Si Labalan ay nagdiwang ng kanyang 83rd birthday noong Enero 20. Ang huling proyekto niya ay ang pag-guest sa isang teleserye kasama si Coco Martin.






