--Ads--
Pumanaw na ang beteranang kolumnista, talent manager at television host na si Lolit Solis sa edad na 78.
Kinumpirma ito ngayong umaga ng kanyang anak na si Sneezy.
Inatake ito sa puso at binawian ng buhay sa ospital.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang mga pinagdaraanan, lalo na nang ito ay ma-confine sa ospital ng ilang araw dahil sa karamdaman.
--Ads--
Isinilang siya noong Mayo 20, 1947 sa Sampaloc, Maynila.
Nagsimula si Lolit ang kanyang karera bilang isang entertainment news writer bago pumasok sa pagiging talent manager, at kalauna’y naging isa sa mga kilalang personalidad sa telebisyon.





