--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 2 na patuloy ang kanilang mga programa para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea sa kabila ng tensyon at pagpuna mula sa ilang mambabatas dahil sa pagiging tahimik ng BFAR sa mga nangyayari sa mga mangingisda.

Sa naging pagpapahayag ni Dr. Angel Encarnacion, Regional Director ng BFAR Region 2 sinabi niya na inilunsad ng BFAR ang LAYAG WPS o Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic Gains in West Philippine Sea upang matulungan ang mga apektadong mangingisda sa nangyayaring tensyon sa naturang karagatan.

Pinapalakas nila ang kapasidad ng mga fisherfolks maging ang komunidad upang makapagproduce pa rin ng sapat na suplay ng isda sa pamamagitan ng pagpromote ng mga livelihood projects, fishing practices, training at education and communication campaign.

Regular din aniya ang kanilang assessment sa fishery resources sa rehiyon maging ang pagmonitor at control and surveillance sa karagatang sakop ng bansa pangunahin na West Philippine Sea.

--Ads--

Matatandaang inusisa ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang BFAR dahil sa tila nagkukulang na aksyon sa mga nangyayari sa mga mangingisda sa WPS.

Ayon kay Yamsuan aabot sa 385,000 na mangingisda ang apektado sa panggigipit o No Tresspassing Rule ng China sa WPS.

Ayon kay Dr. Encarnacion patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga maliliit na fiberglass reinforced plastic o FRP Boats sa mga mangingisda.

Tinuturuan din nila ang mga ito na gumawa ng sarili nilang bangka maging ang pag-repair sa mga ito kapag nasira.