--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 500 Janitor Fish ang nahuli ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 sa isinasagawang Retrieval and Collection bilang bahagi ng kanilang proyektong “Balik sigla sa Ilog at Lawa”.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Aquaculturist 2 Apple Joy Balbin Usquisa ng BFAR Region 2 na nagsasagawa sila ng collection and retrieval dahil marami ng janitor fish ang nakikita ng mga mangingisda sa mga ilog sa Cagayan Valley.

Sinabi ni Usquisa na ang Janitor Fish ay banta sa Ecosystem and biodiversity maging sa mga ilog at lawa.

Ang mga Janitor fish ay kumakain ng mga  isda at itlog ng mga isda at mabilis ding dumami.

--Ads--

Ang Janitor Fish ay mayroong matutulis na kaliskis at kapag sumabit sa lambat ng mga mangingisda ay nasisira ang gamit na panghuli ng isda na makakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Bago nila isinagawa ang Collection and Retrieval ng mga janitor fish ay nagsagawa ang BFAR Region 2 ng profilling sa mga LGUs na may naitalang sightings ng Janitor Fish.

Matapos ang profilling ay nagkaroon sila ng Briefing and Orientation kung ano ang mga dapat gawin ng mga mangingisda kapag may sightings sa mga Janitor Fish.

Natapos na ang kanilang isinagawang Briefing and Orientation sa  Nagtipunan, Quirino at mga bayan ng Amulong, Iguig, Enrile at  Tuguegarao City  sa Cagayan.

Nanawagan ang BFAR Region 2 sa mga mangingisda na kapag nakahuli ng Janitor Fish ay iwasan nang ibalik sa ilog o lawa  kundi dalhin sa pampang upang hindi na dumami.