--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng mga bagong bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 3 ang mga mangingisda na naglalayag sa West Philippine Sea.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Wilfredo Cruz ng BFAR Region 3 na inilunsad nila ang Layag West Philippine Sea project na isang programa ng BFAR na may layong madagdagan ang economic activity ng mga fisher folk sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang tulong kasama na ang pagbibigay ng modernized fishing vessel.

Aniya, pangunahing naging benepisaryo ay ang mga mangingisda na nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa kamay ng mga Chinese Coast Guard noong nakaraang taon.

Umabot naman sa 140 na fisher folks ang nakinabang sa kanilang paglulunsad ng Layag West Philippine Sea project.

--Ads--

Kasama naman ang mga benepisaryong mangingisda ay naglayag sila ng dalawang araw para obserbahan ang mga ibinigay sa kanila na mga bangka.

Ayon pa kay Regional Director Cruz, bukod sa mga tulong na ito ay nagtutungo rin sa West Philippine Sea ang BFAR para magbigay ng diesel at nang makapagtagal sa lugar ang mga mangingisda at marami ang mahuhuli nilang isda.

Tiniyak naman nito na walang dynamite fishing sa kanilang nasasakupan dahil sa mahigpit nilang pagbabantay.

Samantala, wala naman silang nakikitang epekto ng El Nino sa mga isdang nahuhuli ngayon sa dagat at ang nagkakaroon lamang ng problema ay ang mga palaisdaan lalo na ang mga mababaw.

Tinig ni Regional Director Wilfredo Cruz.