CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng BFP Cauayan City ang pahayag ng ilang mamamayan na natagalan ang BFP sa pagresponde at wala pa umanong lamang tubig ang unang dumating na fire truck para sa pag apula sa kumakalat nang sunog.
Sa naging panayam ngf Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Aristotle Atal na mabilis na naitawag sa kanila ang sunog at ang nagpatagal lamang sa kanilang pagtungo sa lugar ay ang mga nakaparadang sasakyan sa harap ng PCSO at ng mga sasakyan ng mga nag-aapply ng business permit sa BFP.
Una nang sinabi ng ilang mamamayan doon maging ng may ari ng isa sa mga bahay na nasunog na si Ginang Lolita Oliveros na umabot pa umano sa tatlumpung minuto ang nakalipas bago dumating ang firetruck.
Giit ni Fire Chief Inspector Atal gawa sa light materials ang bahay kaya mabilis na natupok at malaki na rin ang sunog nang itawag sa kanilang tanggapan.
Aniya sa lima hanggang sampung minuto ay nasa sampung metro na ang lawak ng natupok ng apoy sa isang gusali o bahay kung gawa sa light materials.
Kapag full pressure ang pagbuga ng tubig ng fire truck ay lima hanggang anim na minuto lang ang itatagal nito bago maubos.
Aniya kailangang full pressure ang pagbuga ng tubig sa sunog upang agad na maapula ang apoy lalo na kapag malawak na ito at gawa pa sa light materials.











