--Ads--

CAUAYAN CITYPinabulaanan ng Bureau of Fire Protection Cauayan City ang umano’y mabagal na pagtugon nila sa naganap na sunog sa barangay District 1.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer 2 Johnson Romero chief operation ng BFP Cauyan City sinabi niya na walang katotohanan na umabot pa ng dalawampung minuto bago sila nakarating sa area kung saan nasusunog ang residential house na pag mamay-ari ni  Jojo Dela Cruz.

Aniya, 11:45 ng umaga nila natanggap ang ulat mula sa isang concerned citizen kaya agad pumunta sa lugar ang labing isang bumbero at nakarating sila ng 11:50 ng umaga.

Ayon sa kaniya kung dalawampung minuto ang inabot ng kanilang pagresponde ay posibleng nadamay na rin sa sunog ang mga kalapit na bahay ng residential house.

--Ads--

Naging katuwang naman ng BFP Cauayan City ang BFP Reina Mercedes at BFP Luna.