--Ads--

Lubos ang pasasalamat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan sa bagong ambulansyang ipinagkaloob sa ilang lungsod at bayan sa Isabela, kabilang ang Ilagan City, Burgos, at Santiago City.

Ayon kay FO1 Fritz Gerald Doctor, Chief ng Public Information Unit, kabilang ang BFP Cauayan sa unang batch na nabigyan ng emergency vehicle na kinuha mula sa Silang, Cavite noong Agosto 29. Sa pamumuno ni FINSP Jhan Maurice Bumatay, tiniyak na magiging makabuluhan ang paggamit ng naturang sasakyan.

Sa ngayon, nakalaan muna ito para sa fire-related emergencies, ngunit maaari rin itong gamitin sa vehicular accidents kung kinakailangan. Layunin ng ambulansya na sumunod sa mga firetrucks upang agad na makaresponde sa mga posibleng masugatan sa sunog.

Dagdag pa ni Doctor, well-trained ang lahat ng personnel sa first aid at basic rescue operations, kaya’t makakaasa ang publiko na maayos at epektibo ang paggamit ng bagong ambulansya.

--Ads--