Nagsimula na sa pag-iikot ang mga awtoridad ng Cauayan City Fire Station sa iba’t-ibang establisyemento, lalong-lalo na sa mga nagtitinda ng mga christmas lights.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Francis David Barcellano, Fire Marshall ng Cauayan City, sinabi niya na unang linggo pa lamang ng Disyembre ay tinutukan na ng mga personnel ang mga ito upang matiyak na sumusunod sila sa fire safety standards. Kung kaya’t bago sila makapag-operate ay kinakailangan nila ng Import Commodity Clearance o ICC na nanggaling mula sa Department of Trade and Industry.
Sa ganitong paraan ay nasisiguro na maayos, ligtas, at dekalidad ang mga produkto bago ilabas sa merkado.
Ilan sa mga sinusuri ng mga awtoridad ay ang mga wirings, mga tamang labels sa mga produkto, gayundin ang pagtiyak na hindi substanard ang mga materyales na ginamit.
Sa kasalukuyan, wala pang lumalabag sa mga ito, kung kaya’t patuloy ang panawagan ng mga awtiridad na makipagtulungan ang mga business owners sa pagsisiguro na ligtas at merry ang christmas ng bawat isa.









