--Ads--

CAUAYAN CITY- Hinihintay pa ng punong tanggapan ng Kawanihan ng Pamatay Sunog (BFP-Central Office) ang pinal na report sa naganap sunog sa New City Commercial Center ( NCCC) mall sa Davao City.

Maalala na umabot sa 38 ang nasawi sa pagkasunog ng nasabing mall noong madaling araw ng ng December 23, 2017.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Supt. Joanne Vallejo, tagapagsalita ng BFP National Headquarters, kanyang inihayag na sa ngayon ay hindi pa matiyak kung sino ang may pagkukulang sa naganap na insidente dahil hinihintay pa umano nila ang report mula sa taskforce.

Paliwanag ng opisyal, ang nasabing taskforce ang nasa lugar at sila ang nasasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa insidente.

--Ads--

Nakatakda aniya silang maglabas ng opisyal na pahayag sa oras na matanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng nasabing taskforce.

Ayon pa kay Fire Supt. Vallejo na may ilang ahensya rin ang nais magsagawa ng sariling imbestigasyon upang malaman kung sino ang may pagkukulang sa nasabing insidente .

Posible umanong may masuspinde o matatanggal sa serbisyo na opisyal ng local bureau of fire protection depende umano sa degree of violation.