--Ads--

CAUAYAN CITY– Isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan City ang Kick off para sa selebrasyon ng fire prevention month sa pamamagitan ng parada.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 1 Dennis John Deundo, spokesman ng BFP Cauayan City, sinabi niya na sa fire prevention month ay kanilang isinasagawa ang pagbibigay impormasyon at mga tips sa publiko upang maiwasan ang sunog.

Aniya ang tema ngayong buwan ay “Pag-iwas sa sunog hindi ka nag iisa”.

Isinagawa nila ang kick off ceremony sa pamamagitan ng motorcade o parada upang ipaalala sa mga mamamayan na kasama nila ang BFP at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pag-iisip ng paraan upang maiwasan ang sunog.

--Ads--

Nilibot nila ang buong poblasyon kasama ang mga kasapi ng PNP, CDRRMO, Rescue 922 na laging nangunguna sa mga pagtugon ng mga fire incident na nangyayari sa lunsod.

Iginiit ni Fire Officer 1 Deundo na hindi lamang sa pagresponde ng mga sunog ang ginawa ng pamunuan ng BFP kundi maging ang pagbibigay ng tip upang maiwasan na ang mga sunog.

Maliban sa parada ay inaasahan na rin ang isasagawang slogan contest upang malaman kung gaano ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pag iwas sa sunog.

Bagamat wala pang tiyak na petsa para sa nasabing contest ay kanyang inanyayahan ang mga kabataan sa lunsod na umantabay sa kanilang abiso upang makibahagi sa programa.

Bahagi ng pahayag ni Fire Officer 1 Dennis John Deundo.