--Ads--

CAUAYAN CITY -Nagsimula nang umikot sa mga barangay ang mga kawani ng Department of Fire Protection ( BFP ) San Mateo upang matiyak na walang nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Fire Officer 3 Jeremiah Corpuz ng BFP San Mateo na sa kanilang pag-iikot sa mga barangay ay nakasamsam sila ng ipinagbabawal na mga Boga at mga Piccolo.

Apat na boga at mga Piccolo ang kanilang nasamsam sa mga barangay ng Victoria, Salinungan West, Malasin at Barangay Tres.

Batay pa sa nakuhang impormasyon ng BFP San Mateo ang mga nasamsam na illegal na Piccolo ay binibili sa ibang bayan.

--Ads--

Anya, mga bata ang nakikitang naglalaro ng boga ngunit ginagawa ito ng kanilang tatay na kanila nang pinagsabihan dahil sa ito sa ipinagbabawal na paputok

Sinabi pa ni FO3 Corpuz na isa lamang ang pinayagang magbenta ng paputok sa San Mateo, Isabela.

Sa ngayon anya ay wala pang nakikitang nagbebenta ng mga malalakas na paputok sa nasabing bayan ngunit magpapatuloy ang kanilang pag-iikot sa mga barangay upang matiyak na walang ibinebentang ipinagbabawal na paputok.

Natuklasan din nila na ang 5-star na sanhi para masugatan ang isang taga Bella Luz ay binili sa ibang lugar.

Samantala, ang mga nasamsam na boga at kanilang sisirain habang ang mga piccolo ay iluloblob sa tubig.