--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection o BFP Santiago sa mga mamamayan patungkol sa ligtas na pagbili ng mga pailaw ngayong Yuletide Season.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Inspector Conrad Ian Casayuran, City Fire Marshall ng BFP Santiago City, sinabi niya na target ng tanggapan na bago pa man magtapos ang taon ay makapagtala ng 0% fire incident ang lunsod.

Ayon kay Senior Inspector Casayuran, puspusan ang kanilang pagpapaalala sa komunidad na maging mapanuri sa pagbili ng mga pailaw na dekorasyon ngayong panahon ng Yuletide Season upang maiwasan ang sunog.

Inaasahan aniya ngayong Holiday na dapat mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko at mapaalalahanan patungkol sa pagsuri sa mga bibilhing pailaw o pagtitiyak na may ICC Sticker ang mga pailaw bilang tanda na pumasa sa Standard ang mga produkto.

--Ads--

Paalala ni Senior Inspector Casayuran, wag tangkilikin ang mga murang pailaw at mainam na bumili na lamang ng mahal o gumastos ng kaunti kaysa maisakripisyo ang kaligtasan ng kanilang pamilya at tahanan.

Nauunawaan naman nila na bahagi na ng kultura ng Pinoy ang pagkakaroon ng pailaw at dekorasyon sa Holiday Season kaya naman patuloy na lamang ang pagpapaalala nila at hiniling ang kooperasyon ng mga mamamayan.

Limitahan aniya ang paggamit sa mga pailaw at huwag hayaang gamitin ng buong magdamag dahil maaring uminit ang mga bumbilya ng Christmas Lights at magsanhi ng sunog.

Bahagi ng pahayag ni Senior Fire Inspector Conrad Ian Casayuran