Tiniyak ng Bureau of Fire Protection (BFP) Isabela na compliant ang mga business establishment sa lalawigan ng Isabela pagdating sa fire safety standards.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FSSupt. Atty. Archie Rosario Andumang, Provincial Fire Marshall ng BFP Isabela, sinabi niya na batay sa isinagawa nilang inspection sa mga establishimento ay nakapag-comply naman ang mga ito sa panuntunan ng BFP.
Ganunpaman ay mayroon pa rin silang nabisita na mangilan-ngilang mga etablishment na kulang sa requirements ngunit ito ay minimal lang naman gaya ng kakulangan ng fire extinguisher at fire alarm detection system ngunit agad naman silang nagco-comply kapag sinabihan ng BFP.
Nanawagan naman siya sa publiko lalo na sa mga magtatayo ng buildings na makipag-ugnayan na muna sa BFP bago simulan ang konstruksyon upang matiyak na makasusunod ito sa fire code.