--Ads--

CAUAYAN CITY – Magkakaroon ng Biblical movie marathon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)Cauayan City district Jail bilang paggunita ng Semana Santa

Maglalagay ng big screen at sound system na nakaharap sa apat na selda upang sabay sabay na manood ng halos 200 bilanggo ng mga biblical movies

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Jail Chief Inspector Atty. Romeo Villante warden ng BJMP Cauayan City District Jail na ito ay bahagi pa rin ng paggunita ng Semana Santa at upang makapagnilay-nilay ang mga inmates.

Samantala bukod sa movie marathon ay magsasagawa rin ang pamunuan BJMP Cauayan City ng 7 last words sa loob ng bilangguan.

--Ads--