--Ads--

Kasunod ng dalawang bagsak ng oil price hike noong nakaraang linggo, rollback naman ang bubungad sa mga motorista ngayong unang araw ng Hulyo.

Ito ay matapos ang bigtime oil price hike noong nakaraang linggo.

Batay sa anunsyo ng ng Seaoil, PetroGazz, Shell, at Cleanfuel, inaasahan ang rollback sa presyo ng Gasolina na aabot sa ₱1.40 kada litro habang sa Diesel ay nasa ₱1.80 kada litro ang ibabawas.

Mas malaking bawas presyo naman ang aasahan sa produktong Kerosene ng mga kumpanya ng Seaoil at Shell na nasa ₱2.20 kada litro.

--Ads--

Epektibo ang mga nabanggit na oil price roll back mula ngayong alas-6:00 ng umaga.

Ang pagbaba ng presyo ay inasahan matapos ang naganap na ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran, na siyang nagdulot ng pagbaba sa global crude oil prices.