Isang hindi pangkaraniwang biik ang isinilang sa Brgy. Pal-ew, Tanjay City, sa Negros Oriental dahil diumano ang mukha nito ay tila kahugis daw ng mukha na maihahalintulad sa tao.
Ayon sa uploader na si AJ Bantaya Cardinas, may ilang mga katangian ito tulad ng mga mata at ilong na kahawig ng sa tao.
Ayon din sa kwento ni Cardinas, hindi umano ito ang unang beses na nanganak ang kanilang alagang inahing baboy. Noong una, nanganak umano ito at lumabas ang isang biik na mayroong pakpak.
Sa walong biik na isinilang, pang-apat umano ang may kakaibang itsurang parehas ng tao.
Sa kasamaang palad, tuluyang namatay ang biik matapos ang apat na oras dahil hindi umano ito napadede ng inahing baboy.
Ayon naman sa mga eksperto, ang mga kakaibang hugis ng mukha ng ipinapanganak na mga hayop ay karaniwang deformities na nakadepende sa pag-aalaga sa pagbubuntis ng inahin nito.