--Ads--

Umabot na sa 11 ang bilang ng mga biktima mula sa 9 barangay na nanakawan at kinatayan ng alagang baka o cattle rustling sa Bayan ng Tumauini, Isabela mula noong nakaraang taon.

Umabot na sa 11 ang bilang ng mga biktima na kumakatawan sa 9 barangay ang nanakawan at nawalan  ng alagang baka sa Bayan ng Tumauini, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Christopher B. Uy, sinabi niyang ikinagulat ng lokal na pamahalaan ang dami ng mga apektadong residente. Ayon sa kaniya, sa isinagawang pagpupulong nitong, Pebrero 19, nakita niya ang mga biktima na umiiyak habang ibinabahagi ang kanilang mga karanasan.

Dagdag pa ni Vice Mayor Uy, nitong Pebrero 18 lamang ay nakapagtala na naman sila ng bagong kaso ng pagkawala ng baka, hiwalay sa 11 na naunang biktima. Nagsimula ang ganitong insidente noong July 26, 2025, at sunod-sunod na itong nangyayari hanggang ngayong buwan.

--Ads--

Samantala, naniniwala ang lokal na pamahalaan na isa itong organized crime, ayon kay PMaj. Melchor Aggabao, dahil hindi lamang ito isolated case sa Tumauini kundi nangyayari rin sa iba pang bayan.

Bilang tugon, magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng pagpupulong sa mga barangay officials upang repasuhin kung paano gumagalaw ang mga tanod at kung paano mapapalakas ang seguridad sa bawat barangay. Ayon sa kanila, kailangan ang pagtutulungan ng lahat dahil hindi ito kayang solusyunan lamang ng mga law enforcement unit.

Nananawagan rin si Vice Mayor Uy sa mga residente na agad makipag-ugnayan sa kanilang barangay o kapulisan kung may napapansing kahina-hinalang kilos, lalo na tuwing gabi. Para naman sa mga may alagang baka, pinapayuhan silang mas tiyaking ligtas ang kanilang mga hayop, lalo na sa gabi.