--Ads--

CAUAYAN CITY – May panawagan ang isang ginang sa mga kawatan matapos na mabiktima at matangayan ng tricycle sa Rizal Avenue, Canciller, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Aliza Tapaoan sinabi niya na matapos silang manawagan sa pagkawala ng kanilang tricycle ay agad din silang naka tanggap ng impormasyon kung nasaan ito.

Nanlumo naman siya ng matagpuan ng tricycle nila na may body number na 3958 sa isang irigasyon sa Barangay Dagupan, San Mateo, Isabela.

Aniya ilang bahagi ng tricycle na nachop-chop at naka hiwalay na ang motorsiklo sa sidecar nito ng matagpuan.

--Ads--

Matapos mabawi ang tricycle ay agad nilang dinala sa mekaniko para maisaayos.

Labis ang pasaalamat niya sa Pulisya sa mabilis na aksyon para mahanap ang tricycle .

Panawagan niya sa mga magnanakaw na magbago na dahil malaking perwisyo na rin sila sa mga gaya nilang lumalaban ng patas sa buhay.

Nanawagan din siya sa mga awtoridad at mga opisyal ng Barangay na bantayan ang kanilang nasasakupan dahil sa mga naitatalang nakawan sa Lungsod