CAUAYAN CITY – Tumaas ang bilang ng mga voter registrants ngayon ng COMELEC Region 2 matapos na makapagtala sila 2000 karagdagang bilang nitong nakaraang linggo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Region 2 sinabi niya na napansin nilang kakaunti ang nagpaparehistro sa kasalukuyan.
Aniya mula ngayong araw ay aasahan nila ang pagdagsa ng mga voters registrants.
Tiniyak naman niya na handa sila sa dagsa ng mga botante gayunman aasahan ang bahagyang pagbagal ng registration processna posibleng tumagal ng ilang minuto.
Sa ngayaon ay wala pa namang naitatalang aberya ang COMELEC sa nagpapatuloy na voters registration ilang araw bago ang deadline.
Sa kasalukuyan ay nasa 65-75,000 ang deactivated voters ng COMELEC sa Rehiyon dos.
Ang mga deactivated voters ay mga botanteng nabigong nakaboto ng dalawang sunod na halalan.