--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba ang bilang ng mga kumukuha ng insurance ng sasakyan ngayong buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Bernard Gammad, isang insurance provider, sinabi niya na may epekto pa rin hanggang ngayon ang pandemya sa mga kumukuha ng insurance ng sasakyan dahil iilan lamang ang mga nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.

Aniya, kapag mga ganitong buwan ay krisis kaya talagang limitado lamang ang mga nagpapatala ng sasakyan sa kanila.

Marami na rin ang kanilang napagsilbihang may-ari ng sasakyan, tricycle at motorsiklo na malaking tulong kapag may mga nangyaring hindi maganda sa kanila sa mga lansangan dahil covered ito ng insurance lalo na ang mga tinatawag na third-party liability.

--Ads--

Nagpapasalamat siya sa Land Transportation Office o LTO dahil sila ang dahilan kung bakit nakakatulong din sila sa mga may-ari ng sasakyan.

Sa ngayon ay karamihan sa mga kumukuha ng insurance ay mga may-ari ng tricycle at ibang mga negosyanteng may mga sasakyan.