CAUAYAN CITY – Tumaas ang bilang ng mga Local Government Units sa Lalawigan ng Isabela na kabilang sa mga awardee ng seal of Good Local Governnence 2023.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Engr. Corazon Toribio ng DILG sinabi niya na sa kabuuan ay nasa 28 na LGU kabilang ang dalawang Lunsod mula sa Lalawigan ang pumasa para makatanggap ng SGLG o Seal of Good Local Governnence 2023.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang dalawampu’t isa noong nakaraang taon.
Aniya may ilang mga lugar na dating awardee ang hindi napabilang sa listahan ngayong taon habang may mga naidagdag na sa listaha na wala noong nakaraang taon.
Paliwanag niya na may sinusunod na 10 governance indicator na taon taon na nadadagdagan na marahil ay hindi na kamit ng ilang LGU na hindi na napabilang sa mga awrdee ngayong taon.
Kamakailan ng nagkaroon ng National Validation kung saan nagtungo sa Lalawigan ang Regional validators partikular sa tatlumpung LGU kung saan kabilang ang Cauayan City at Quezon Isabela subalit hindi nabigong makabilang sa final list.
Nakatakda namang magkaroon ng utilization conference kung saan ibibigay ang resulta sa mga LGU’s na bigong maging awardee para mapaghandaan ang National Validation sa sususnod na taon.
Ang SGLG ay nagbibigay ng pagpupugay sa mga Local Government Units na pumasa sa pamantayan at sampung governance indicator.











