Tumaas sa 15.5 milyon ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na mahirap sa nakalipas na apat na buwan, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang survey ay ginawa mula April 11-15 o nasa 15.5 milyong mahirap na pamilya na tumaas mula sa 14.4 milyon nitong Marso.
Ang self-rated poverty ngayon ang pinaka mataas sa higit dalawang dekada noong December 2024 nang maabot ang 63 percent.
Bumaba naman sa 32 percent ang bilang ng mga pamilyang “not poor”, mas mababa sa 36% sa unang kuwarter ng 2025.
Nananatili namang nasa 12% ang nagsabing sila ay nasa “borderline” poor nitong April.
Sa self-rated poverty, pinaka mataas sa Mindanao (70%), Visayas (67%), Metro Manila (45%) at Luzon, 44%.
Sa mga pamilyang nagsabing sila ay hindi mahirap, pinaka mataas sa Metro Manila (45%), Luzon (44%), Visayas (21%) at Mindanao, 16%.
Ang survey ay ginawa sa 1,800 respondents.






