--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit apatnaput apat na libong mga mamamayan sa rehiyon na kasali sa priority list ng DOH Region 2 ang tuluyang nabakunahan kontra Covid 19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Joyce Maquera, Head ng Operations for Vaccination ng DOH Region 2, sinabi niya na nasa 44, 847 na ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa lahat ng category ng priority group sa rehiyon.

Nasa 35, 762 na mga A1 Frontline Healthworkers ang nabakunahan o 46.93% sa target na 76,188 na frontline health workers.

Nasa 6,006 namang mga senior citizen na rin ang bakunahan o 1.74% ng target na mabakunahan.

--Ads--

Ayon kay  Maquera ang naibigay na bakuna sa mga priority group ay galing sa Sinovac at Aztrazeneca.

Umaasa naman ang DOH Region 2 na matatapos ang vaccination sa mga health workers sa mga lokal na pamahalaan at health centers hanggang sa araw ng lunes dahil may bagong dating na namang batch ng bakuna kahapon na nasa 22, 200 doses.

Susunod na target na mabakunahan ng DOH Region 2 ang mga nasa A3 o ang mga mamayang may comorbidities at kailangan ang screening sa mga ito upang matiyak na sila ay ligas na mabakunahan.

Ayon sa DOH Region 2 naging maganda ang pagtanggap ng mga mamamayan sa bakuna lalo na ang mga nasa priority group.

Magkakaroon naman ng ceremonial vaccination ngayong araw ang kagawaran para sa A4 priority group mula DOLE ngunit nilinaw nilang wala pang guidelines sa pagbabakuna sa mga A4 priority groups kaya wala pang roll out.

Binigyan ng tig sampung myembro ng A4 priority group ang bawat rehiyon na mauunang mabakunahan para sa ceremonial vaccination para sa mga economic fronliners.

Muli namang hinikayat ng kagawaran ang mga mamamayan na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon at tiniyak na ligtas ang bakuna dahil ito pinag aralan ng mga eksperto .

Pinaalalahanan din ang mga mamamayan na manatiling sumunod sa mga minimum health protocols upang ligtas sa virus.

Ang bahagi ng pahayag ni Joyce Maquera, Head ng Operations for Vaccination ng DOH Region 2.